HAPAG sa IBAYO: ULYSSES
Ang HAPAG sa IBAYO: Ulysses ay isang feeding operation na kung saan ang Rotary Club-Rizal Mideast na pinangunahan ni Ms. Richeen Padua kasama ang SANGALAB Circle 10 ay nagsagawa ng isang feeding operation na kung saan naglalayong magpakain ng mga kabataang nabaha at naapektuhan ng bagyong Ulysses (Vamco) noong November 10, 2020. Ang feeding operation ay naganap noong November 28, 2020 ng umaga sa dalawang lugar ng Rescon Ibayo at Sta. Cecilia Ibayo, Maly, San Mateo, Rizal. Naging matagumpay ang aktibidad na pagpakain na nakapagpakain ng umabot sa 500 na kabataan sa nasabing lugar.