Lakbay Alalay 2014
Ang lakbay alalay ay ginagawa sa buong Pilipinas taon-taon para tumulong sa mga motoristang umuuwi ng probinsya o nagsasagawa ng Visita Iglesia sa iba't-ibang lugar tuwing Semana Santa. Ngayong taon, napagpasyahan kong tumulong at maglaan ng oras at panahon upang makatulong ako sa ating kapwa.